Kathryn Bernardoのインスタグラム(bernardokath) - 4月21日 17時54分


Isang lubos na pasasalamat para sa ating mga frontliners. Para sa amin, #KayoAngBituin. ✨
(Written by Carlo Hornilla for @met_tathione)
.
.
"Bituin"
Pag-ibig ang pananatiling paglilingkod nang tapat
Sa pagsapit ng dilim na kaylalim
at kaylawak
Ang nagsisilbing pag-asa ay ang liwanag ninyong hawak.
Tila ang bawat isa’y mga talang,
hindi man namin tuluyang mahawakan at mayakap,
Natatanaw namin ang inyong pagkislap.
Panalangin naming hindi kayo mapundi.
Hinihintay namin ang inyong pag-uwi.
kayo ang payong na hindi tumitiklop.
Kayo ang sinasandalang dingding.
Kayo ang bubong na kumukupkop.
Kayong piniling mawalay sa mga mahal sa buhay.
Nais naming sumaludo. Nais naming pumalakpak.
Kayong mga nag-aalay ng buhay,
Kayo ang aming mga bituin.


[BIHAKUEN]UVシールド(UVShield)

>> 飲む日焼け止め!「UVシールド」を購入する

131,480

9

2020/4/21

Kathryn Bernardoを見た方におすすめの有名人